January 11, 2026

Home BALITA National

Pagsugpo sa gutom, personal na misyon ni PBBM —Romualdez

Pagsugpo sa gutom, personal na misyon ni PBBM —Romualdez
Photo Courtesy: via MB

Binigyang-diin ni reelected Leyte 1st District Rep. at House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na wala raw dapat Pilipinong nagugutom sa isang bansang puno ng pangako at potensyal.

Sa pahayag ni Romualdez nitong Martes, Hulyo 15, sinabi niyang ibibigay umano ng Kongreso ang buong suporta para sa Walang Gutom Program ng pangulo at Department of Social Welfare and Development sa ilalim ng 2026 national budget.

“Hindi ito basta proyekto ng ating Pangulong Bongbong Marcos. His vision of a hunger-free Philippines under the Walang Gutom program is a promise of dignity, a pledge of compassion, and a commitment to bring real change to every Filipino family struggling to put food on the table,” saad ni Romualdez.

Dagdag pa niya, “Makikita mo ang puso ng ating Pangulo sa programang ito. Ang laban sa gutom ay hindi lamang polisiya kundi personal niyang misyon. Walang pamilyang Pilipino ang dapat maiwan sa laylayan ng lipunan.”

National

VP Sara nakiramay, personal na bumisita sa mga biktima ng Binaliw Landfill Landslide sa Cebu

Matatandaang kamakailan lang ay inihayag din ni Romualdez ang suporta niya sa inisyatibo ni Marcos para sa kapakanan at kabuhayan ng mga mangingisda sa Pilipinas.

MAKI-BALITA: Romualdez, suportado pagpapaunlad sa kabuhayan ng mga mangingisda sa Pilipinas