December 14, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Maris Racal, na-blanco kay 'Rico'

Maris Racal, na-blanco kay 'Rico'
Photo courtesy: Screenshot from Kapamilya Online Live via Fashion Pulis (FB)

Kinaaliwan ng mga netizen ang naging reaksiyon ni Kapamilya star Maris Racal sa isang tanong na kailangan niyang sagutin sa game show na "Rainbow Rumble."

Nagbalik na nga ang nabanggit na game show sa ABS-CBN matapos ang eleksyon at mabigo sa kaniyang kandidatura ang host na si Luis Manzano.

Tila nagulat si Maris sa tanong sa kaniya na "Kumpletuhin ang hit song ng 80's american pop group na Breakfast Club: 'Rico [Blank]" na binasa ni Luis.

"What? Rico What?" tila nawindang na tanong pa niya kay Luis.

Relasyon at Hiwalayan

‘Totoo na!’ Kiray Celis, kinasal na!

Maya-maya ay tila tuluyan nang "naloka" si Maris nang maghiyawan na ang audience pati na ang mga kalaban mula sa cast member ng pelikulang "Sunshine." Maging si Luis ay tila kinilig at napahiyaw na rin.

Na-realize yata ni Maris kung sino ang tumatakbo sa isip ng lahat kaya napahiyaw na lang din siya.

"Maris, hindi siya ha," natatawang sabi na lang ng TV host.

Paano ba naman kasi, inakala siguro ni Maris na ang pinapahulaan ay ang ex-boyfriend niyang si Rivermaya lead vocalist at OPM icon Rico Blanco.

Ang nakakuha naman ng tamang sagot ay si Meryl Soriano, na "Rico Mambo."