Kinumpirma ni Senador Bam Aquino ang umuugong na bulung-bulungan kamakailan kaugnay sa napipintong paglinya nila ni Senador Kiko Pangilinan sa Senate majority.
Ito ay matapos sabihin ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada na hindi malabong mapabilang sa majority bloc sina Pangilinan at Aquino.
Sa isang episode ng radio program na “Good Times Radio” noong Lunes, Hulyo 14, inilatag ni Aquino ang dahilan sa likod ng planong ito nila ni Pangilinan.
“We are leaning towards the majority bloc, primarily because of the committees.So ‘di ba matagal na nating pinag-uusapan ‘yong committees on education, I guess for Senator Kiko it’s committee on agriculture,” saad ni Aquino.
Dagdag pa niya, [T]hose are committees that you can only get kung nasa majority kayo. But joining the majority I think source of confusion because may mga committees that belong in the majority and may mga committee usually na binibigyan sa minority.”
Matatandaang nauna nang nagbigay ng hindi tuwirang pahayag si Pangilinan hinggil dito. Binigyang-diin niya na patuloy raw siyang maninindigan para sa pangakong bitbit niya pag-upo sa Senado.
MAKI-BALITA: Sen. Kiko, nagsalita na sa umano’y pagsama niya sa majority bloc: 'I know what I stand for!'