December 14, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Gusot nina Ryza Cenon, Jennylyn Mercado natuldukan na!

Gusot nina Ryza Cenon, Jennylyn Mercado natuldukan na!
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT), Jennylyn Mercado (IG)

Tapos na raw ang isyu sa pagitan nina Kapuso actress Jennylyn Mercado at Ryza Cenon.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Lunes, Hulyo 14, nagawa pang ungkatin ni Boy ang gusot nina Ryza at Jennylyn na halos nabaon na sa limot ng marami.

“Patawad sa tanong na ito, ha. Pero napakaingay noon ‘yong hidwaan, away n’yo ni Jennylyn Mercado, are you guys okay?” usisa ni Boy.

Sagot naman ni Ryza, “Wala na po ‘yon, tapos na po ‘yon. May pamilya na po kami.”

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

In fact, ayon sa aktres, inimbitahan umano siyang mag-guest para sa teleseryeng “Sanggang Dikit FR” kung saan bumibida si Jennlyn kasama ang mister nitong si Kapuso Drama King Dennis Trill.

“Tinatawanan na lang po ‘yon, e. [...] Wala na po ‘yon. Tapos na po ‘yon,” dugtong pa niya.

Matatandaang nagkapalitan ng maaanghang na salita ang dalawa na maiuugat sa tsikang nakahalikan umano ni Ryza ang jowa noon ni Jennylyn na si Mark Herras, halos dalawang dekada na ang nakalilipas.