December 14, 2025

Home SPORTS

Eldrew Yulo nagsasanay na sa Japan, hangad na makasali sa 2028 Olympics

Eldrew Yulo nagsasanay na sa Japan, hangad na makasali sa 2028 Olympics
Photo courtesy: Karl Eldrew Yulo (FB)

Nasa bansang Japan ang gymnast na si Karl Eldrew Yulo sa puspusan siyang pagsasanay upang mapalakas ang kaniyang makapasok at makasali sa Olympics, at sundan ang yapak ng kapatid na si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, na naging matagumpay sa 2024 Paris Olympics.

Sa ulat ng ABS-CBN Sports, sa ilalim ng patnubay ni Munehiro Kugimiya, dating Japanese coach ni Carlos na naging mahalagang bahagi ng kaniyang tagumpay sa 2024 Paris Olympics, ginugugol ngayon ni Karl ang kaniyang araw sa mahigpit na pagsasanay.

“I’m training there for my routine. Me and coach Mune will fix my routine, lilinisin po namin lahat, and gagawa kami ng skills na bago,” pahayag daw ni Yulo sa naganap na Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum, Martes, Hulyo 15, sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila.

Layunin daw niyang magpakitang-gilas sa nalalapit na FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships na gaganapin sa Pilipinas sa unang pagkakataon, partikular sa Marriott Grand Ballroom sa Pasay City sa huling bahagi ng taon.

Ranking ng Pilipinas, patuloy pagratsada sa 33rd SEA GAMES 2025

Bukod sa inaasahang paghakot ng medalya sa naturang torneo, nakatuon din si Karl sa mas malawak na pangarap — ang makasama sa delegasyon ng Pilipinas sa 2028 Olympics sa Los Angeles at maipagpatuloy ang pamana ng kaniyang pamilya sa gymnastics.

Nag-uwi ng silver medal ang atleta sa kaniyang laban sa 2025 Men’s Artistic Gymnastics Junior Asian Championships na ginaganap sa Jecheon, South Korea noong Hunyo.

KAUGNAY NA BALITA: Karl Eldrew Yulo, nakasungkit ng silver medal sa South Korea