December 16, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Content creator sinita sa pronoun para kay Awra; netizens, rumesbak!

Content creator sinita sa pronoun para kay Awra; netizens, rumesbak!
Photo courtesy: Jack Argota (FB)/Awra Briguela (IG)

Umani ng reaksiyon at komento mula sa publiko ang naging "pagtatama" ng content creator na si "Sir Jack Argota" sa ginamit na panghalip o pronoun para kay TV personality Awra Briguela.

Nag-react ang content creator sa isang ulat ng ABS-CBN News hinggil sa graduation niya sa senior high school.

Sinita ng content creator ang paggamit ng "her" para sa kaniya.

Ang panghalip na "her" ay tumutukoy sa babae, kagaya rin ng "she" at "herself."

Tsika at Intriga

‘Mambabatas pa naman kayo!’ Pokwang, naimbyerna sa politikong nakiepal sa isyu ng kapatid niya

"Anong her? Goodluck bro!" aniya.

Dahil dito, binanatan ang content creator ng fans at supporters ni Awra, gayundin ang ilang mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

Pero tila hindi natinag si Sir Jack at pinanindigan ang kaniyang saloobin patungkol dito, kahit na inaakusahan siya ng "misgendering."

Ang iba nga, naging below the belt pa at sinabing sa pagitan nilang dalawa ni Awra, siya raw umano ang dapat i-address na "her" dahil sa kaniyang hiwa.

Ang hiwang tinutukoy ng bashers ng content creator ay ang kaniyang cleft palate.

Nasabi na lang ng content creator sa isa pang Facebook post, "Ang OA nyo mga beh ha, i love #Awra."

Sa isa pang Facebook post, "Masakit tanggapin ang katotohan na hindi ka her HERcules ka."

Nag-congrats pa ang content creator sa graduation ni Awra, kalakip naman ang kaniyang graduation photo.

"Congrats mi," saad niya sa caption.

Sinagot din niya ang mga ulat patungkol sa bashing na natatanggap niya mula sa mga tagasuporta ni Awra.

"Sa dinami daming nagbiro sa post na yun, yung biro ko pa yung napansin? Ayoko na mag pisbok!" aniya.