December 14, 2025

Home BALITA National

Bill ni Sen. Lacson: Mga anak na mag-aabandona sa elderly parents, lagot!

Bill ni Sen. Lacson: Mga anak na mag-aabandona sa elderly parents, lagot!
Photo courtesy: via MB/Pixabay

Naghain ng panukalang-batas si Sen. Panfilo "Ping" Lacson patungkol sa mga anak na magtatangkang abandonahin o pabayaan ang kanilang elderly parents o magulang sa kanilang pagtanda.

Ito ay tinatawag na "Parents Welfare Act of 2025."

Upang palakasin ang pagkakaisa ng pamilyang Pilipino at ang pananagutan ng anak sa magulang, inihain ni Lacson ang panukalang-batas na naglalayong tiyaking hindi iiwan ng kanilang mga anak ang kanilang mga magulang, lalo na sa panahon ng pangangailangan.

Ang panukalang-batas ni Lacson, na kaniyang isinumite rin sa mga nakaraang Kongreso, ay layong parusahan ang mga hindi magbibigay ng kinakailangang suporta sa kanilang mga magulang, lalo na sa panahon ng katandaan nito at pagkakasakit.

National

Sen. Robin, 'di na trip tumakbo sa Halalan 2028

"We, Filipinos, are well-known for our close family ties. Because of this, it is not surprising that we have the usual inclination to care for our elderly," anang senador sa kaniyang press release na mababasa sa website ng Senado.

"However, even with this close family ties, there are cases of elderly, sick, and incapacitated parents who were abandoned by their own children."

"Nowadays, the sights of abandoned elderly in our streets become typical. Children fail to provide the necessary support to their aging, sick and incapacitated parents. This happens despite our moral and natural obligation to maintain our parents who are in need of support."

"This proposed bill therefore seeks to further strengthen filial responsibility and to make it a criminal offense in case of flagrant violation thereof. Abandonment of a parent in need of support shall likewise constitute a criminal act," aniya pa.

Binigyang-diin ni Lacson na bagama’t may itinatakdang legal na obligasyon ang Family Code na suportahan ang mga matatanda, marami pa ring nakatatanda na wala nang kakayahang suportahan ang kanilang sarili, at bagkus, pinababayaan at iniiwan na lamang ng kanilang mga anak.

Sa ilalim ng panukalang-batas ni Lacson, maaaring magsampa ng petisyon sa hukuman ang isang magulang na nangangailangan ng suporta at humiling na maglabas ng kautusang magpapataw ng obligasyon sa mga anak na nabigo o tumangging magbigay ng nasabing suporta.