December 14, 2025

Home BALITA Probinsya

Babae sa GenSan niligtas, lumusot sa imburnal para humanap ng pagkain

Babae sa GenSan niligtas, lumusot sa imburnal para humanap ng pagkain
Photo courtesy: Screenshots from GMA Regional TV One Mindanao

Isang babae ang nailigtas matapos matagpuang nakakulong sa loob ng imburnal sa kahabaan ng Bula-Lagao Road sa General Santos City.

Ayon sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao noong Lunes, Hulyo 14, isang tricycle driver ang nakapansin sa kamay na sumusulpot mula sa semento ng kanal. Agad siyang humingi ng tulong matapos marinig ang boses ng isang babae na umiiyak at humihingi ng saklolo mula sa loob.

Rumesponde sa insidente ang mga tauhan ng Barangay Bula, Bureau of Fire Protection (BFP), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), at kapulisan. Maingat nilang inalis ang takip ng kanal upang ma-access ang pinanggagalingan ng tinig.

Dalawang barangay personnel ang bumaba sa kanal at tumulong sa babae upang makalabas. Noong una ay inakala nilang isang bata ang nasa loob ng kanal dahil sa laki ng katawan nito. Nang mailabas, agad siyang nilapatan ng paunang lunas at binigyan ng breathing apparatus dahil sa hirap sa paghinga. Dinala rin siya sa ospital para sa karagdagang gamutan.

Probinsya

Lalaki, arestado matapos masamsaman ng ₱13.6M halaga ng shabu, paraphernalia

Kinilala ng CDRRMO ang babae bilang 23-anyos na residente mula sa Cotabato Province. Sa isinagawang imbestigasyon, nalaman na naligo umano ang babae sa dagat at pumasok sa kanal na malapit roon sa pag-asang makahanap ng pagkain.

Lumabas din sa pagsusuri na gumapang ang babae sa loob ng kanal ng halos 300 metro bago siya natagpuan sa kinaroroonan. Sa kabutihang-palad, ligtas na ang babae at walang iniulat na anumang pisikal na pinsala.