December 13, 2025

Home FEATURES Trending

ALAMIN: Bakit viral at ginagawan ng memes ang kuwartong ito?

ALAMIN: Bakit viral at ginagawan ng memes ang kuwartong ito?
Photo courtesy: Contributed Photo

Kumakalat sa social media at ginagawan pa ng memes ang larawan ng isang kuwarto, dahil sa isang viral na balita sa China kamakailan.

Kung titingnan ang nabanggit na kuwarto, "nothing special" naman ang makikita rito; isa lang itong payak na kuwartong may built-in cabinets, higaan, at mesa. Naka-tiles din ang sahig nito.

Pero ang kuwento pala sa likod ng kuwartong ito, ito ang "headquarter" ni Red Uncle, 38-anyos, ang lalaking nagpapanggap na babae para makatalik ang higit isang libong lalaki at makuhanan ang maselang akto ng video para pagkakitaan.

Nagpapanggap daw siya bilang "sweet, divorced woman" at marami naman sa mga lalaki ang umano'y naloloko niya't nakakapasok pa sa loob ng kuwarto para ibigay sa kaniya ang "alay" na grocery items, toiletries, pagkain, prutas, o iba pang bagay kapalit na "makaiskor" sa kaniya.

Trending

KILALANIN: Ang pumanaw na PBA Legend na si Jimmy Mariano

Pero hindi alam ng mga lalaki, may naka-set-up na sikretong camera na magre-record ng kahalayang gagawin niya sa kanila. Ito ang ibebenta niya sa online.

Nakarating sa mga awtoridad ang gawain ni Red Uncle kaya agad na ni-raid ang kaniyang apartment. Nagsilbing ebidensya ang mga make-up, peluka, at ang camerang ginagamit niya sa palihim na recording ng maselang video.

Sang-ayon sa batas ng China, may karampatang parusa ang pagpapakalat ng mga pribadong video o larawan na nagtatampok ng sekswal na gawain.

BASAHIN: Si Red Uncle at ‘pagtikim,’ pambibiktima niya sa higit 1,000 lalaki