Inanunsiyo ni Manila City 6th District Rep. Benny Abante ang paghahain niya ng House resolution na naglalayong imbestigahan ang kaso ng mga nawawalang sabungero.
Sa isinagawang press conference nitong Martes, Hulyo 15, tinalakay ni Abante ang koneksyon ng sugal sa pagpatay.
Aniya, “What we are dealing here is not about gambling. It is about killing and murder. That is why I am also filing a House resolution calling for a full congressional investigation into the fate of the missing sabungeros.”
“Filipinos who disappeared between 2021 and 2022. Many of whom, according to a whistleblower, were abducted, killed, and dumped into the Taal Lake on orders of a powerful e-sabong operators,” dugtong pa ni Abante.
Ayon sa kontresista, ang pangyayaring ito ay matatawag umano bilang “modern day horror story.”
“You can no longer call this a harmless vice when it ends with bodies, and dumped in our lakes and families mourning the loss of their loved ones,” ani Abante.
Matatandaang nauna nang sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Boying Remull na posible umanong konektado sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kaso ng mga nawawalang sabungero.