December 13, 2025

Home BALITA

8 Pinoy seafarers ng M/V Eternity C, nakadaong na sa Jizan

8 Pinoy seafarers ng M/V Eternity C, nakadaong na sa Jizan
Photo Courtesy: DFA, DMW (FB)

Ligtas na nakarating sa Jizan, Saudi Arabia ang 8 Pilipinong mandaragat na lulan ng M/V Eternicty C.

Sa pahayag na inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Martes, Hulyo 15, sinabi nilang nasa kustodiya na ng Philippine Consulate General sa Jeddah, Migrant Workers' Office-Jeddah, at ng shipping agency nito ang 8 seafarers.

“The rescued Filipino seafarers will undergo mandatory medical assessment before their scheduled repatriation in the coming days,” saad ng DFA.

Dagdag pa nila, “The DFA wishes to express its deepest gratitude to the Kingdom of Saudi Arabia for extending visa considerations to the 8 Filseafarers on humanitarian grounds.”

National

TNVS drivers, bibigyan pa rin ng pagkakataon magpaliwanag bago patawan ng penalty–LTFRB Chairman Mendoza

Matatandaang  21 Pinoy crew members ang sakay ng M/V Eternity C nang salakayin ito ng mga rebeldeng Houthi kamakailan.