December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Vilma, durog ang puso sa pagkaligwak ni Luis sa 2025 elections

Vilma, durog ang puso sa pagkaligwak ni Luis sa 2025 elections
Photo Courtesy: via MB, Screenshot from Ogie Diaz (YT)

Ibinahagi ni Kapamilya actress Jessy Mendiola ang naramdaman ng biyenan niyang si Batangas Governor at Star for All Seasons Vilma Santos matapos mabigo ang anak nitong si Luis Manzano sa pagkabise-gobernador sa probinsya ng Batangas.

Sa latest episode ng “Ogie Diaz Inspires” noong Linggo, Hulyo 13, sinabi ni Jessy na si Vilma umano ang pinakanabasag ang puso sa pagkatlo ni Luis sa nakaraang 2025 midterm elections. 

“Kasi si momskie [Vilma] din ‘yong nakiusap kay Luis na ‘Baka puwede try mo naman ibang world.’ Palagi din ‘tong sinasabi ni momskie na ‘We are so blessed. Maganda rin na tumulong tayo sa iba. We share our blessings,’” lahad ni Jessy.

Dagdag pa niya, “But, you know, natutuwa ako kasi silang dalawa, ‘pag nakikita ko silang magkasama alam kong si momskie pinaghuhugutan talaga niya ng lakas si Luis. Actually, no’ng Monday, oathtaking ni momskie, palagi niyang nililingon si Luis.”

Relasyon at Hiwalayan

Bianca De Vera, kering pagsabayin 2 lalaki sa isang relasyon?

Samantala, nang matanong naman si Jessy tungkol sa posibleng pagbawi ni Luis sa 2028, sinabi niyang wala pa raw ito sa kanilang hinagap. Ito ay matapos mapansin na tila napapadalas sa Batangas ang mister niya. 

Sa ngayon, tinutupad lang umano ni Luis ang mga binitawan niyang salita noong panahon ng kampanya sa kabila ng kabiguang magkaroon ng posisyon sa gobyerno.

Inirerekomendang balita