Pinupuntirya umano ng Philippine National Railways (PNR) na muli na silang makaarangkada sa mga huling bahagi ng 2028 o sa unang bahagi ng 2029.
Sa panayam ng DZMM Teleradyo nitong Lunes, Hulyo 14, sinabi ni PNR operations manager Joseline Geronimo na ang elevated North South Commuter Railway (NSCR) ay nakatakdang matapos sa darating na tatlo o apat na taon simula ngayon.
“Inaasahan na tayo ay makakapagbalik-serbisyo sa parte ng Metro Manila later part of 2028 or early part of 2029. Mayro’n na lang konting clearing,” saad ni Geronimo.
Matatandaang Marso 2024 nang suspindehin ang operasyon ng PNR upang bigyang-daan ang konstruksyon ng NSCR.
Samantala, inanunsiyo naman ng PNR noong Linggo, Hulyo 13, na balik-biyahe na ulit sila simula ngayon, Lunes, Hulyo 14, sa rutang Calamba-Lucena pabalik.
MAKI-BALITA: PNR, aarangkada na ulit sa rutang Calamba-Lucena