December 13, 2025

Home SHOWBIZ Teleserye

Matapos ang isang dekada: KalyeSerye, nagpaparamdam ulit

Matapos ang isang dekada: KalyeSerye, nagpaparamdam ulit
Photo Courtesy: Screenshot from Eat Bulaga (FB)

Tila nabuhayan ng loob ang AlDub fans sa pahiwatig ng muling pagbabalik ng KalyeSerye makalipas ang sampung taon.

Sa isang video teaser ng TVJ noong Linggo, Hulyo 13, mapapanood ang ilang clips mula sa nasabing soap opera parody segment ng Eat Bulaga.

“After 10 years, they are ready to tell their stories behind the memorable scenes. Secrets will be uncovered. Hear it straight from them, the untold narrative behind the phenomenon revealed,” saad sa text sa video.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing teaser. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Teleserye

'Buti nagbabasa muna ako' Pagtsugi kay Boboy Garrovillo sa Sang'gre, nagdulot ng kaba

"baka pinayagan na si Alden ng GMA hahaha. Sana!"

"Omg,deserve naming to mga Aldub fan, D man cla ang ending lab p din nmin to, Stress reliever ko to Nung may pinagdadaanan Ako noon"

"Sana magkaroon ng special appearance si Alden sa 10th Anniversary ng Kalyeserye. "

"Walang tatalo sa tunay na AlDub"

"I think its new segment to "TAMANG PANAHON" "

"Bka dumalaw c Alden Richard sa TVJ eatbulaga dabarkads "

"Sana wag nang ibalik ang Tamang panahon , para walang Alden Richard ,napasikat na sya Tama"

Matatandaang nabuo ang ‘AlDub’ noong unang makita ni Eat Bulaga host Maine Mendoza—bilang “Yaya Dub”— si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa split-screen ng “Juan for All, All For Juan” noong 2015.

Simula noon ay unti-unting namayagpag ang tambalan ng dalawa kaya nang hindi magkatuluyan sina Alden at Maine sa totoong buhay ay maraming fans ang naging delulu.

MAKI-BALITA: Alden Richards, nagkagusto kay Maine Mendoza: ‘I did confess’

MAKI-BALITA: 'Delulu?' Arjo ikinasal daw sa clone ni Maine---AlDub fan