January 06, 2026

Home BALITA Internasyonal

Lone survivor sa pagbagsak ng Air India hindi pa rin makausap, hindi nagsasalita

Lone survivor sa pagbagsak ng Air India hindi pa rin makausap, hindi nagsasalita
Photo courtesy: Contributed photo

Sumasailalim na sa psychiatric help ang ang kaisa-isang nakaligtas sa pagbagsak ng Air India noong Hunyo 12, 2025.

KAUGNAY NA BALITA:  Higit 200 pasahero sa nag-crash na Air India plane, patay; isa, nakaligtas!

Ayon sa ulat ng international news outlet, ibinahagi raw ng pinsan ng plane crash survivor na si Ramesh Viwashkhumar na hindi pa raw siya makausap at nagsasalita ulit matapos ang naturang trahedya.

Saad pa sa nasabing salaysay, patuloy pa umanong nagdadalamhati si Ramesh matapos na bigong makalabas nang buhay ang kaniyang kapatid na lulan din ng nasabing eroplano.

Internasyonal

‘Be mindful!’ PH Embassy, nagbaba ng abiso para sa kaligtasan ng mga Pinoy sa Venezuela

"Many people, including our relatives living abroad, call us to enquire about Vishwas's well-being. But he does not talk to anyone. He is yet to overcome the mental trauma of the crash and the death of his brother," anang pinsan ni Ramesh.

Matatandaang nasa 260 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dulot ng pagbagsak ng Air India kabilang ang 242 nitong mga pasahero at ilang sibilyang nadamay bunsod ng pagbagsak nito sa isang medical college.

Matapos ang makaligtas sa trahedya, nagawa pang maisalaysay ni Ramesh kung paano siya himalang nakaligtas. Noong Hunyo 17 nang tuluyan siyang nakalabas ng ospital.

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Paano nakaligtas si Vishwash Kumar Ramesh sa Air India Flight 171?

Inirerekomendang balita