December 18, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

‘Just be yourself’ nagiging excuse sa toxic behavior, sey ng ex-PBB housemate

‘Just be yourself’ nagiging excuse sa toxic behavior, sey ng ex-PBB housemate
Photo courtesy: Dingdong Bahan (FB)

Usap-usapan ng mga netizen ang Facebook post ng dating housemate ng Pinoy Big Brother Gen 11 na si Dingdong Bahan patungkol sa pagpapakatotoo sa sarili.

Aniya sa video na ini-upload niya sa kaniyang Facebook account, marami raw ang nagpapaka-"just be yourself" pero nagiging excuse ito sa toxic behavior.

"Stop calling it ‘authenticity’ if it’s hurting people," mababasa sa caption ni Dingdong.

Kung papanoorin naman ang video, aniya, "'Ganito talaga 'ko,' pero ang tanong, tama ba? It's not enough to be just yourself."

Tsika at Intriga

Followers, nagulat: Pambansang Kolokoy may cancer, nasa 2nd cycle na ng chemo!

Paliwanag niya, sa panahon daw ngayon ay sobrang uso na ang litanyang "just be yourself." Pero minsan daw, nagiging excuse na raw ito sa pagkakaroon ng toxic behavior.

"Yung rude ka tapos sasabihin mo, 'At least ako, totoo ako.' Or at least, I'm real..." sundot pa niya.

Kailangan daw tanungin din ang sarili kung "Am I honest" o "Am I kind?" O kaya naman daw, "Am I authentic but still respectful?"

"Remember, you can always be the best version of yourself. Be a better version of yourself everyday. Remember, being yourself is good, but evolving is better," aniya pa.

Bagama't wala namang pinangalanan at tinukoy na tao, ilang netizens ang nagsabing sana raw ay mapanood ito ni PBB Gen 11 Big Winner Fyang Smith.

Kamakailan kasi ay naging usap-usapan ang pamamahid ni Fyang ng laway sa mukha ni Dingdong habang nasa isang event sila.

Hindi naman nagbigay ng reaksiyon o pahayag patungkol dito si Dingdong.