December 21, 2025

Home BALITA Probinsya

Ilegal na dog fighting, natimbog ng mga awtoridad; pasimuno nito, arestado

Ilegal na dog fighting, natimbog ng mga awtoridad; pasimuno nito, arestado
Photo courtesy: PAOCC/Facebook

Natimbog ng pulisya ang isang lalaking nagpapatakbo ng ilegal na dog fighting na ipinapalabas sa social media sa La Paz, Tarlac.

Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PACOCC), isang concerned citizen ang nagtimbre sa mga awtoridad hinggil sa ilegal na ginagawa ng suspek sa iba't ibang uri ng aso.

Sa pamamagitan ng Criminal Investigation and Detection Group-Anti Organized Crime Unit (CIDG-AOCU), nadakip nila ang suspek at nasagip ang mga aso na ginagamit umano sa illegal dog fighting.

Pawang mga nakakulong, sugatan at nanghihina na raw ang mga aso nang makuha sila ng mga awtoridad. Maging ang ilang tuta raw ay hindi nakaligtas sa pang-aabuso ng suspek. 

Probinsya

Mag-anak na sakay ng motorsiklo, todas matapos salpukin ng rumaragasang van

Agad namang nai-turn over ng mga awtoridad ang mga aso sa Animal Welfare Investigation Project (AWIP) upang malapatan ng agarang atensyong-medikal.

Nasa kustodiya na ng CIDG-AOCU ang suspek na mahaharap sa paglabag sa Republic Act 8485 o Animal Welfare Act.