January 05, 2026

Home BALITA Probinsya

Ikaapat na suspek sa malagim na pagpatay sa isang dalaga sa Tagum City, nasakote na

Ikaapat na suspek sa malagim na pagpatay sa isang dalaga sa Tagum City, nasakote na
Photo courtesy: Contributed photo

Hawak na ng pulisya ang ikaapat na suspek sa malagim na pagpatay sa isang dalaga sa Tagum City, Davao del Norte noong Hulyo 9, 2025.

KAUGNAY NA BALITA: Dalaga sa Tagum City, natagpuang patay sa loob ng kuwarto; biktima may higit 20 saksak!

Ayon sa mga ulat, noong Sabado, Hulyo 12, naaresto ang naturang suspek na kinilalang si alyas "Roy-roy," 18 taong gulang.

Siya ang itinuturing na utak sa pagnanakaw at pagpaslang sa biktima na nagtamo ng 38 saksak sa katawan. 

Probinsya

Toy gun lang? Lady driver na nagpakita ng baril, nanakot lang daw ng namamalimos

Narekober sa kaniya ang isang kalibre .38 na baril at dalawang bala at wala rin siyang naipakitang kaukulang dokumentong makakapagpatunay na legal ang pagdadala niya ng baril.

Matatandaang nauna nang naaresto ang tatlo pang mga teenager na kasama ni alyas "Royroy" nang pasukin nila ang kwarto ng biktima sa loob ng sarili nitong pamamahay.

Narekober sa mga suspek ang laptop, iPad, cellphone at dalawang relo ng biktima at maging ang dalawang kutsilyo na hinihinalang ginamit ng mga suspek laban sa biktima.

KAUGNAY NA BALITA: 3 suspek kabilang 2 menor de edad na pumatay at nagnakaw sa isang dalaga, timbog!

Kasalukuyang ng nakaburol ang biktima habang patuloy na gumugulong ang imbestigasyon.

BASAHIN: Netizens, binuweltahan juvenile law matapos ang pagpatay sa isang dalaga sa Tagum City