Muling naispatan sina Barbie Forteza at Jameson Blake sa isang marathon event kamakailan, na tila nagpakilig naman sa mga netizen.
Ibinahagi kasi sa "Spin and Shoot" Facebook page ang mga larawan ng dalawa habang magkasamang tumakbo at nakiisa sa Aqua Run 2025.
"Barbie Forteza and Jameson Blake spotted at Aqua Run 2025," mababasa sa caption.
Tila kinakiligan naman ng mga netizen ang dalawa at in fairness, maraming nagsasabing parang bagay daw sila sa isa't isa ha!
Kahit nagsabi na silang dalawa na "friends" lang sila at pareho lang nahihilig sa pagtakbo, hindi pa rin maiwasan ng ilang netizens na mapatanong kung bakit kailangan pa raw nilang maghawakan ng kamay.
KAUGNAY NA BALITA: Pictures nina Barbie Forteza, Jameson Blake inurirat: ‘Soft launch ba ‘to?’
KAUGNAY NA BALITA: Jameson Blake, nagsalita na sa real-score nila ni Barbie Forteza
KAUGNAY NA BALITA: Barbie Forteza, nagsalita na sa pagkaka-link kay Jameson Blake
"Friends lang siguro sila!"
"sweet ayy!!"
"totoo ang chismis pero di ko bet haha. di ko nkitaan ng chemistry pizyow basta yan pananaw ko feeling ko my movie yanor teleserye kaya gnyan"
"Baka po kasi madulas"
"hinawakan ang kamay kasi madulas dyan bubbles kasi baka madulas si barbie lagapak"
"bagay naman sila parehong maputi"