Usap-usapan ng mga netizen ang pagpo-post ng political strategist na si Gio Tingson sa larawan nila ng aktres na si Cristine Reyes.
Linyahan nga ng mga gen Z ngayon, "hard launch" na nga raw ito sa tila namumuong romantic relationship sa kanilang dalawa.
Unang nakalkal ang tungkol sa dalawa nang tila may nasagap na tsika si Ogie Diaz patungkol sa aktres na ex-girlfriend ng aktor na si Marco Gumabao, patungkol sa love life nito, na inispluk niya sa kaniyang showbiz-oriented vlog na "Ogie Diaz Showbiz Update" noong Hunyo 29.
Ayon sa nasagap na tsika ni Ogie, kahit na si reelectionist Sen. Imee Marcos ang inendorso ni Cristine, ang napababalita raw na bagong karelasyon niya umano ay strategist ng isa pang nagbabalik-Senado na si Senator-elect Bam Aquino.
Pinangalanan ni Ogie ang nabanggit na guy na si Gio Tingson, na lagi raw naiispatang kasama ni Cristine.
"Feeling ko naka-move on na si Cristine," sey ni Ogie, na ang tinutukoy ay ang break-up ng aktres sa aktor na si Marco Gumabao.
KAUGNAY NA BALITA: Cristine Reyes may lovelife na raw ulit, konektado kay Bam Aquino?
Anyway, makikita nga sa Instagram account ni Gio ang mga larawan nila ni Cristine habang magkasama sa Hanoi, Vietnam.
"Crossing the Red River at Thăng Long," mababasa sa caption.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.
"blooming ka ha"
"iba rin"
"IG official?"
"Ano to relaunching?"
"Pag-ibig na talaga yan..."
Samantala, wala pa namang kumpirmasyon sa dalawa kung ano na nga ba ang real-score sa pagitan nilang dalawa.