January 29, 2026

Home BALITA

Bus driver na naglalaro ng online sugal habang nagmamaneho, sinuspinde ng LTO!

Bus driver na naglalaro ng online sugal habang nagmamaneho, sinuspinde ng LTO!
Photo courtesy: screenshot from contributed video

Pinatawan ng Land Transportation Office (LTO) ng 90-day preventive suspension ang isang bus driver na nakuhanan ng video na naglalaro ng online sugal habang nagmamaneho sa Cavite.

Ayon sa LTO, mismong pasahero daw ang nakapansin sa pagiging aligaga ng driver sa paggamit ng cellphone. Kalaunan, nakumpirma daw niyang naglalaro nga ng online sugal ang driver.

Giit naman ni LTO Chief Atty. Greg G. Pua, Jr., hindi raw palalampasin ng ahensya ang naturang insidente.

"Malala na yata ang addiction ng driver na ito sa online gambling to the point na nilagay niya sa alanganin ang kaligtasan ng mga pasahero, hindi po natin ito palalampasin," ani Pua.

Metro

Lagot! BFP, iniimbestigahan mga nandekwat umano ng alak sa nasunog na supermarket sa QC

Napag-alamang empleyado ang driver ng Kersteen Joyce Transport bus na noo'y nasa ruta ng Silang-Dasmariñas,, nang maispatan ng nasabing pasahero.

Pinagpapaliwanag na rin ng LTO ang nasabing kompanya ng bus sa pagtanggap daw nila ng pabayang driver.

“Failure to appear and submit written comment/explanation as required shall be construed by this office as a waiver of your right to be heard, and the case shall be decided based on the evidence at hand,” saad ng show cause order.