Buminggo kay Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ang isang barangay chairman sa kanilang lungsod, matapos sunod-sunod na magpaputok ng baril sa gitna ng mga nanugod daw na ilang residente.
Sa pagharap sa media ng nasabing punong barangay na si Rodelio Yu, ipinaliwanag at dumipensa siya kung bakit daw siya napilitang magpaputok ng baril sa harap ng kaniyang mga nasasakupan.
Ayon kay Yu, napilitan lang daw niyang ikasa at iputok ang kaniyang baril upang pakalmahin ang sitwasyon dahil sa panunugod sa kaniya ng mga residenteng umalma sa clearing operation noong Sabado, Hulyo 12.
"Pero dahil po ang bilis ng pangyayari sinugod ako. Ang ginawa ko, doon mismo sa lugar na 'yon, doon ko kinasa at mabilis, mabilis ang pangyayari, segundo pinutok ko kaagad sa lapag," anang barangay chairman.
Giit pa niya, hindi raw kasi nakuha sa isang putok ang mag-amang sobrang lapit na raw ng distansya sa kaniya kaya niya ipinutok ang baril. Giit pa niya, wala raw siyang tinutukan na kahit sino, maliban sa lapag ng semento.
"Ang nasa isip ko nun ay umatras sila, mag-ama. Pero sa isang putok, hindi po. Kaya mabilis po, isang putok then sugod, putok uli ako ng isa sa lapag.
Samantala, nanindigan naman ni Mayor Isko na mali ang ginawa ni Yu kaya't ipinaaresto pa rin niya ito upang dumaan sa proseso.
"There is a discharge of firearms whether it is legal or illegal... The presumption is, may ginawang mali," giit ng alkalde,
Nasa kustodiya na ng Manila Police District si Yu na nahaharap sa reklamong discharge of firearm at grave threats.