January 07, 2026

Home BALITA Probinsya

SK President, binaril ka-love triangle; biktima, todas!

SK President, binaril ka-love triangle; biktima, todas!
Photo courtesy: Argao City Police

Patay ang isang lalaki matapos siyang pagbabarilin ng presidente ng Sangguniang Kabataan (SK) sa Argao, Southern Cebu.

Ayon sa mga ulat, mismong ang suspek ang dumayo sa lokasyon ng biktima na noo’y nasa isang restobar at saka pinaulanan ng putok ng baril.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at katawan ang biktima na agad niyang ikinamatay.

Lumalabas sa imbestigasyon na love triangle ang motibo ng suspek sa nagawang krimen matapos umanong magkaroon ng relasyon ang biktima at dating kasintahan ng nasabing SK president.

Probinsya

Ulo ng sanggol na umano'y pinalaglag, 'minukbang' ng tuta!

Samantala, mabilis na nasakote ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong murder.