January 29, 2026

Home BALITA

Senior citizen na may milyones sa maleta, hinarang sa NAIA!

Senior citizen na may milyones sa maleta, hinarang sa NAIA!
Photo courtesy: Philippine National Police - Aviation Security Group

Hinarang ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 61 taong gulang na babae matapos siyang mahulihan ng tinatayang ₱1.2 milyong halaga na undeclared cash sa loob ng kaniyang maleta noong Sabado, Hulyo 12, 2025.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin nitong Linggo, Hulyo 13, galing Nueva Ecija ang matanda na papunta raw sanang Hong Kong nang ma-detect sa x-ray ng Office of Transportation Security (OTS) ang bagahe ng matanda.

Bunsod nito, agad na gumawa ng manual inspection sa bagahe ng matanda ang Philippine National Police – Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) at tauhan ng he Bureau of Customs (BOC).

Batay sa inisyal na imbestigasyon, tumambad sa mga awtoridad ang bundle ng mga pera ng matanda mula sa nasabing maleta na kaniyang dala.

Probinsya

Binatang nakipagtitigan umano ng masama, pinagsasaksak ng 18 beses!

Hindi pa tukoy kung bakit nasa maleta ang nasabing halaga ng natimbog na milyones sa maleta. Kasalukuyang nananatili sa kustodiya ng BOC ang matanda at kaniyang maleta para sa mas malalimang imbestigasyon.