Nagpaabot ng pagbati si Senador Robin Padilla sa kapatid niyang si BB Gandanghari na nagtapos bilang Summa Cum Laude sa University of California sa ilalim ng programang Bachelor of Science in Filmmaking.
Sa latest Facebook post ni Padilla nitong Linggo, Hulyo 13, sinabi niyang sobrang proud at humahanga raw siya sa sipag at determinasyon ng utol niya.
“Isang taos-pusong pagbati sa aking kapatid na si BB Gandanghari na nagtapos bilang Summa Cum Laude sa Filmmaking,” saad ni Padilla.
Dagdag pa niya, “Sobrang proud at humahanga ako sa iyong sipag at determinasyon para abutin ang iyong pangarap. Saludo ako sayo! Mabuhay ka!”
Matatandaang hindi tanggap noon ni Robin ang pagpapalit ni BB ng identidad mula nang kilalanin niya ang sarili bilang transgender. In fact, dumating pa nga raw sa puntong ayaw siyang makita ng kaniyang kapatid.
Ngunit ayon kay BB, nagbago ang pakikitungo ni Robin sa kaniya dahil sa kanilang ina na kasalukuyang malubha na ang kalagayan ng kalusugan.