December 13, 2025

Home SPORTS

Pinay caregiver na naapektuhan sa missile attack ng Iran sa Israel, pumanaw na

Pinay caregiver na naapektuhan sa missile attack ng Iran sa Israel, pumanaw na
Photo courtesy: Philippine Embassy/FB, AP News

Kinumpirma ng Philippine Embassy sa Israel ang pagpanaw ng Pilipinang caregiver nadamay sa naging pag-atake ng missile ng Iran sa Israel noong Hunyo 15, 2025.

KAUGNAY NA BALITA: Pinay caregiver na naapektuhan ng missile ng Iran, nananatiling kritikal sa Israel

Sa pahayag ng embahada ng Pilipinas nitong Linggo, Hulyo 13, pumanaw ang biktimang kinilalang si Leah Mosquera, 49-anyos, nitong Linggo ng umaga matapos ang halos isang buwang gamutan sa Shamir Medical Center kung saan siya sumailalim ng iba’t ibang operasyon.

“It is with deep sorrow that the Philippine Embassy in Israel announces that Ms. Leah Mosquera, a 49-year-old Filipina caregiver from Negros Occidental, passed away this morning due to severe injuries she sustained when an Iranian missile struck her Rehovot apartment on 15 June,” saad ng embahada.

Ranking ng Pilipinas, patuloy pagratsada sa 33rd SEA GAMES 2025

Matapos ang kaniyang mga operasyon, nananatili ang biktima sa Intensive Care Unit (ICU) ng naturang ospital kung saan siya inalagaan ng kaniyang kapatid na isa ring caregiver sa Israel. 

Ayon pa sa embahada, inaasikaso na raw nila ang pagsasaayos ng mga labi ng biktima upang maibiyahe na ito pabalik ng Pilipinas, bago ang ika-50 kaarawan ng biktima sa darating na Hulyo 29.

“The Embassy is now working on the repatriation arrangements and the provision of all necessary assistance for Ms. Mosquera,” anang embahada.