Umani ng reaksiyon at komento ang mga naging pahayag ng beteranang aktres na si Dina Bonnevie patungkol sa mga artista ng kasalukuyang henerasyon.
Aniya sa panayam sa kaniya ng media, sa panahon nila, madali raw matukoy kung sino ang artista dahil sa kanilang hitsura at wala silang kamukha.
Pero ngayon daw, halos magkakamukha na raw ang mga batang artista dahil hindi na nagkakalayo ang mga hitsura nila.
Ang dahilan daw: operada o retokada na.
"I honestly said that, it's true, tingnan mo 'yong mga artista ngayon, 'yong mga bata, bata pa lang operada na, retokada na," aniya.
Minsan daw nalilito na siya sa mga artistang bumabati sa kaniya, na madalas niyang napagkakamalian.
"Baka naman pare-pareho 'yong make-up artist o pare-pareho 'yong doktor," sey na lang ni Dina.
Noong panahon daw nila, kapag maganda, matik na magiging artista. Pero kung mukha raw "pinabili ng suka" ay naging komedyante agad.
Biro na lang ni Dina, kapag hinanap daw ang "before and after" photos niya ay ganoon pa rin ang hitsura niya.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens:
"Kasi po Ms. D dati po pag artista maganda talaga kaya po may salitang “artistahin ang dating” sa ngayon po pag nag viral or sumikat sa youtube artista na po kahit ndi naman po mukha artista kayo po artistahin talaga."
"For sure maraming aangal jan kasi ni rrealtalk sila..sasabihan nanaman ng mga matatamaan paginggit pikit…chaaarrr..i so agree with Ms.Dina V. Natural at sobrang Ganda ng mga artista noon di nakakasawang tingnan ang mga movie nila sobrang tagos sa puso di tulad ngaun iisa lang ang kwento iniiba iba lang ang title."
"Eh bakit nangingialam ka? Hindi mo naman pera ang ipanggagawa."
"Ganon talaga eh, kung may chance naman na ipabago ang mukha for improvement, why not?"
"Medyo totoo na hawig hawig nalang sila kasi may template. But ok lang yun thats her opinion and sya nakaka alam sa showbiz."
"Tama my point k nmn...ang sakin lng iba n po generation...ang daming tuklas...di nmn pwde sbhn s mga tao now n wag n mag cellphone dahil noon wlang ganyan ..pro bkt ang hinde eh madami dn nmn mtututunan s cp pro dapat responsible lng s maling pag gamit...dun nmn s mga retokada eh bkt nmn dn ang hinde kung gusto gumanda at maging bida kung my talent...like ung sabi mo kung tsaka comedyante , ikaw n nagsabi...kaya kung nagparetoke man no problem kung my talent at pwdeng gawin."