Naantig ang marami sa isang lola na humirit sa apo niyang abogado para dumalo sa kaniyang 88th birthday celebration.
Ibinahagi kasi ng X user na si “jc” noong Sabado, Hulyo 12, ang screenshots ng mga mensahe ng lola niyang nakikiusap sa kaniya.
Batay sa messages, nakatakda umanong ganapin sa Hulyo 14 ang kaarawan ng lola niya. Ngunit nagpagpasyahang ilipat na lang sa Hulyo 12 dahil walang pasok ang karamihan.
Masaya na sana ang lola niya kung makakadalo silang lahat na magkakapatid. Pero nagkataong may event na pupuntahan si jc kaya nanghinayang ang kaniyang lola.
Tila hindi naman natiis ni jc ang lola niya. Umuwi pa rin siyang Pangasinan at ipinagpaliban ang event na nakatakda niya sanang daluhan.
“[K]umurot sa puso ko ang message ng lola ko binitawan ko talaga lahat para umuwing pangasinan today,” saad ni jc sa caption.
Dagdag pa niya, [A]lam ko nabubusy tayo sa work but always make time for family pls cherish natin yung mga moments with them.”
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"I miss my nanay "
"I got teary-eyed. Magka birthday pa naman kami. Hapot birthday to her! Humaba pa sana buhay niya. Lampasan niya si Enrile. Hahahaha"
"awww "
"Im crying rn. I missed my Ina, and yun nga naalala ko ulit nung time na namahinga na siya with god, galing ako sa pahinga at unwind with nature somewhere in laguna. And all of a sudden , habang pauwi na kami, sabi ni mama namahinga na ang Ina ko."
"I always go home for my lola. Sadly it's been 2 years since she passed. Always treasure your lola. Spoil them. I miss my lola. "
"Nakakainggit naman na nakakapag-message pa lola mo sayo na sobrang sweet pa."
"Bakit ako naiyak? Di ko naman kayo ka ano ano huhuhuhu buti umuwi po kayo"
"Glad you could make it! Sobrang swerte mo na ang lakas pa ni lola mo "