December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Ivana Alawi, nanganak daw sa US; anak daw nila ni Dan Fernandez, 6-anyos na?

Ivana Alawi, nanganak daw sa US; anak daw nila ni Dan Fernandez, 6-anyos na?
Photo courtesy: Ivana Alawi (YT)/Dan Fernandez (TikTok)

Isa sa maiinit na tsikang pinag-usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika, at Wendell Alvarez sa kaniyang entertainment vlog na "Showbiz Now Na" noong Sabado, Hulyo 12, ay ang umiikot na intrigang umano'y nagsilang daw ng anak ang Kapamilya star at social media personality na si Ivana Alawi sa Amerika.

Bago pa talakayin sa SNN, nauna na itong talakayin sa "Showbiz Update" ni Ogie Diaz.

KAUGNAY NA BALITA: Ivana Alawi, may anak kay Dan Fernandez?

Ayon daw sa mga source, hindi umano rito sa Pilipinas ipinanganak ni Ivana ang anak kundi sa US. Sundot pa ni Cristy, sabi-sabi ng iba, na kaya umano nagpupunta ng Amerika si Ivana ay para makasama ang umano'y anak niya.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Hindi naman malubos-maisip ni Cristy na kung totoo man daw ito, saan naman daw niya "inilagay" ang anak sa katawan niya gayong napakaseksi niya.

Sundot naman ni Romel, ang mga bagay na ito ay nananatiling mga katanungan lamang at hindi na dapat pang panghimasukan.

Pero kung si Cristy raw si Ivana, agad daw siyang magsasalita at sasabihin niyang hindi totoo ang mga kumakalat na intriga laban sa kaniya; na hindi totoong nanganak na siya at nasa Amerika ang bata, na isang lalaki at anim na taong gulang. In fairness naman daw kay Ivana, matapang at diretsahan talaga siyang sumagot sa mga isyu kaya alam niyang masasagot ito nang diretso ng aktres.

KAUGNAY NA BALITA: Ivana, sumalang sa lie-detector test; hindi homewrecker

At kung sakali naman daw na totoo, wala raw nakikitang masama rito si Cristy.

Ang next daw na tanong ay kung sino raw ang tatay kung totoo ito?

Wala raw ibang naiisip na puwedeng idikit kay Ivana kundi ang nali-link sa kaniyang aktor at dating Santa Rosa, Laguna Rep. Dan Fernandez, na recently nga ay pinag-usapan pa ng mga netizen ang tila pagkakapareho daw ng disenyo ng kanilang closet at kusina, batay sa background na nakita sa kanilang mga previous social media post.

KAUGNAY NA BALITA: Ivana Alawi, Dan Fernandez iniintrigang pareho ng disenyo ng closet

Pero inungkat naman ni Romel ang lumang panayam ni Ivana kay King of Talk Boy Abunda na tahasan niyang sinabing ayaw niya kay Dan dahil "babaero" siya, nang matanong siya kung nanliligaw ba sa kaniya ang aktor-dating public servant.

KAUGNAY NA BALITA: Binalikan: Ivana Alawi, 'di bet si Dan Fernandez dahil 'babaero'

Kaya sa usapin daw ng pagkakaroon ng anak, wala pa umanong kinukumpirma o idine-deny ang kampo ni Ivana, at habang isinusulat ang artikulong ito, ay "ingay" pa lamang ito dahil hindi pa nga nagsasalita tungkol dito ang actress-social media personality.

Hindi pa rin nagsasalita ang kampo ni Dan patungkol dito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.