Usap-usapan ng mga netizen ang X post ng dating Kapamilya child star na si Sharlene San Pedro, na bagama't walang tinukoy, ay ipinagpalagay ng mga netizen na "rant" niya sa isyung kinasasangkutan ngayon ng Nation's girl group na "BINI."
Umaani kasi ng reaksiyon at komento mula sa mga netizen ang naging reaksiyon ng girls sa ilang mga Filipino food na ipinatikim sa kanila sa “People Vs. Food."
Sa isang episode kasi ng nasabing show kamakailan, ni-rate ng BINI ang ilan sa iconic Filipino snacks matapos nilang tikman ang mga ito.
Ilan sa mga inihain sa kanila ay kwek-kwek, isaw, yema, betamax, mamon, turon, taho, balut, hopiang baboy, at marami pang iba.
Ngunit ayon sa mga netizen, tila lumabas umano ang kaartehan ng BINI matapos lantakan ang mga pagkain na parang hindi nila ito natikman noong wala pa sila sa rurok ng kasikatan.
KAUGNAY NA BALITA: ‘Ang lala ng kaartehan!’ BINI, binatikos matapos lumantak ng Pinoy snacks
Sa kaniyang X, tila nagpahayag naman ng kaniyang rant si Sharlene.
"pa rant.. bakit kaya ang daming taong nagrereact at humuhusga sa naka trim down na video? kahit di niyo pa naman napanuod yung buong video sa yt," mababasa sa X post ni Sharlene, bandang umaga ng Linggo, Hulyo 13.
"saka hello di talaga lahat ng pinoy ay trip ang lahat ng filipino food."
"panay ride niyo sa hate train kasi relevant yung subject," dagdag pa niya.
Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:
"Sharlene hindi mo ba gets? Yes okay lang na hindi nila gusto yung pagkain but how they say it sa tingin mo okay lang? Saying ew, kadiri while making those cringe expressions as if na first nilang maka kita nun like what the heck."
"lols hindi pa nila natitikman yung food ganon na ka OA reaction nila."
"truee, some of by friends don't eat balut and some of pinoy street food. and we don'y judge them. laking province pa kami ha. some are just hating for the sake of hating. Hay, touch some grass ya'll!"
"Sobrang relevant talaga ng girls, kaya yang mga yan uhaw sa engagements dahil kikita daw kasi sila kapag nakakuha ng clout."
"damang-dama ko inis mo shar hahaha"
"Siguro how they said it, yun ang nakakainis haha."
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o opisyal na pahayag ang BINI at maging ang pamunuan ng ABS-CBN tungkol dito.