Tila kinainggitan na naman ng netizens ang Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 3rd Big Placer na si Esnyr Ranollo.
Sa latest Facebook post kasi ni Esnyr nitong Linggo, Hulyo 13, ibinahagi niya ang larawan niya kung saan makikitang pinalilibutan siya ng mga hunk actor na sina Jake Ejercito, Donny Pangilinan, Piolo Pascual, at Kyle Echarri.
“[G]anito pala sa outside world— maingay, mausok, puno ng mga pogi” saad ni Esnyr sa caption.
Nagkagulo tuloy sa comment section ang mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang reaksiyon:
"helloo ngayon lang nagkaload, eto po ba yung Meteor Garden?"
"sa 'yo lahat yan, ma?"
"sige tama nana esynnrrr pwede naka mu balik sa bahay ni kuya"
"Taray nmn lord ang unfair po "
" sana all daming umaaligid na pogi"
"Kaloka ka miii"
"Kakayanin sa placement nlng tlga magkakatalo "
"Ngayon ko lang ginusto maging si Esnyr"
"Hala apaka big na big winner."
Matatandaang kamakailan lang ay mga kapuwa naman niya housemate sa PBB ang pumalibot sa kaniya habang nakanguso ang mga ito.
MAKI-BALITA: 'Big winner ang atake!' Esnyr, pinalibutan ng nguso ng mga lalaking housemates