January 29, 2026

Home BALITA

DOTr, hahabulin hustisya sa brutal na pagpatay sa SAICT enforcer sa Cavite

DOTr, hahabulin hustisya sa brutal na pagpatay sa SAICT enforcer sa Cavite
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo, Contributed photo

Kinondena ng Department of Transportation (DOTr) ang brutal na pagpaslang sa isang enforcer ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) sa Cavite.

Sa pahayag na inilabas ng DOTr sa kanilang opisyal na Facebook page moong Sabado, Hulyo 12, 2025, may mensahe ring iniwan si Transport Secretary Vince Dizon para sa bumaril sa biktima.

“I strongly condemn in the strongest terms the heinous killing of our SAICT enforcer. Ipinag-utos na ni Pangulong Bongbong Marcos ang mabilisang pagresolba ng krimen na ito. Sa pumatay sa aming SAICT enforcer, tinitiyak ko, hahabulin ka ng hustisya,” ani Dizon. 

Dagdag pa ni Dizon, “Nakikiramay tayo sa pamilya ng ating kasama sa DOTr-SAICT. Patuloy tayong makikipagtulungan sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) hangga't hindi nakakamit ang mabilis at tunay na hustisya para sa ating kasama.”

National

'Magtiwala lamang po ang taumbayan!' Palasyo, idiniin 'stability' sa gitna ng isyu ng kalusugan, impeachment ni PBBM

Ayon sa mga ulat, binaril sa sariling pamamahay ang biktima na nagtamo umano ng tama ng bala sa mata at bibig nito.

Samantala, sa hiwalay na pahayag ni SAICT Group Commander Brig Gen Simeon Talosig PA (Ret), nanindigan siyang mas lalo raw hndi magpapatinag ang kanilang hanay sa paglilingkod sa mga komyuter matapos ang nangyaring krimen sa kanilang kasamahan.

“Sa mga duwag na pumatay sa isa naming kasamahan na tapat na gumaganap lamang ng kanyang tungkulin, nananatili kaming MATATAG at walang takot,” ani Talosig.

Inirerekomendang balita