December 12, 2025

Home BALITA

DMW, tiniyak ang tulong para sa seafarers na nasagip sa lumubog na MV Magic Seas

DMW, tiniyak ang tulong para sa seafarers na nasagip sa lumubog na MV Magic Seas
Photo Courtesy: DMW (FB)

Siniguro ng Department of Migrant Workers (DMW) ang agarang tulong na matatanggap ng 17 seafarers na nakaligtas mula sa lumubog na MV Magic Seas na inatake ng mga militanteng Houthi sa Red Sea.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo J. Cacdac nitong Linggo, Hulyo 13, may nakalaan umano silang AKSYON Fund para sa mandaragat na nakauwi.

“Magaling kayo at magigiting. May AKSYON FUND tayo para magbigay ng tulong at suporta sa inyo, pero hindi ’yan ang pinakamahalaga. Ang mahalaga ay nakauwi kayo ng ligtas,” saad ni Cacdac.

Samantala, bukod sa tulong pinansiyal at reintegration services, bibigyan din ang mga seafarer ng medical check-up kabilang na ang physical at mental health assessments.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“Aside from our immediate financial assistance and reintegration services, all the seafarers will be also provided with medical check-up, kabilang ang physical at mental health assessments, gayundin sa psychosocial counseling upang matulungan silang makabawi mula sa mga hamon sa ibang bansa,” anang kalihim.

Naging posible ang pagpapauwing ito sa kanila sa pamamagitan ng pagtutulungan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno kagaya ng Department of Foreign Affairs (DFA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at marami pang iba.