December 13, 2025

Home BALITA Internasyonal

DFA, nakiramay sa Pinay caregiver na naapektuhan sa atake ng Iran sa Israel

DFA, nakiramay sa Pinay caregiver na naapektuhan sa atake ng Iran sa Israel
Photo Courtesy: DFA (FB)

Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamilya ng Pinay caregiver na naapektuhan sa missile attack ng Iran sa Israel noong Hunyo 15.

Matatandaang kinumpirma na ng Philippine Embassy sa Israel ang pagpanaw ng biktimang kinilalang si Leah Mosquera, 49-anyos, nitong Linggo ng umaga, Hulyo 13, matapos ang halos isang buwang gamutan sa Shamir Medical Center.

MAKI-BALITA: Pinay caregiver na naapektuhan sa missile attack ng Iran sa Israel, pumanaw na

“The Department conveys its deepest condolences Ms. Mosquera’s family and loved ones. The Philippine Embassy in Israel is now working on the repatriation of her remains,” saad ng DFA.

Internasyonal

Japan, niyanig ng magnitude 6.7 na lindol; tsunami advisory, inisyu

Dagdag pa nila, “The Department thanks the medical professionals who took care of Ms. Mosquera, as well as the Filipino community in Israel who offered comfort and support to her family during her hospitalization.”

Sa huli, sa gitna ng pagdadalamhati, nanawagan ang ahensya para sa proteksyon ng mga sibilyan sa panahon ng sigalot.