Kinumpirma ng Los Angeles County Medical Examiner sa US ang sanhi ng pagkamatay ng business tycoon na si Paolo Tantoco.
Ayon sa ulat ng isang international news outlet noong Hulyo 9, 2025, kumpirmadong nasawi si Tantoco bunsod ng epekto ng paggamit ng cocaine.
Batay pa sa nasabing ulat, lumalabas na aksidente umano ang manner of death ni Tantaco habang cocaine effects naman ang mismong cause of death. Naitala rin ang Probable Atherosclerotic Cardiovascular Disease bilang “other significant condition.”
Bunsod nito, ayon sa nasabing ulat ay itinuturing na unintentional drug overdose ang kasong pagkamatay ni Tantoco.
Naunang maiulat na nasawi si Tantoco noong Marso 8, 2025 sa Beverly Hilton Hotel sa California.
Naulila ni Tantoco ang kaniyang asawang si Dina Arroyo—pamangkin ni dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo, at kaniyang tatlong anak.
Si Tantoco ang chief operating officer (COO) ng Pacific Links Golf Development Inc. at nagsilbing chief security and procurement officer ng Sta. Elena Golf and Country Estate at assistant vice president sa Rustan Commercial Corporation.