December 17, 2025

Home BALITA National

Tempo, nagdiriwang ng ika-43 anibersaryo

Tempo, nagdiriwang ng ika-43 anibersaryo
Photo courtesy: Tempo (FB)

Ipinagdiriwang ng Tempo ang kanilang ika-43 anibersaryo, araw ng Sabado, Hulyo 12.

Sa kabila ng mga ulat at pananaw na unti-unti nang "namamatay" ang industriya ng print media, patuloy na namamayagpag ang Tempo, English-language tabloid ng Manila Bulletin, sa kanilang mga kasabayan pagdating sa mundo ng pagbabalita.

Ito ay isang makabuluhang okasyong muling nagpapatunay ng matibay nitong ugnayan at koneksyon sa mga mambabasa at advertisers.

Mula nang ilunsad noong Hulyo 12, 1982, naging bahagi na ng araw-araw na buhay ng maraming Pilipino ang Tempo, lalo na sa paghahatid ng balita, balitang sports, showbiz, at mga komentaryong madaling maunawaan at abot-kamay ng masa, kahit nasa wikang Ingles.

National

AFP, inaalam na pagbisita sa PH ng 2 suspek sa mass shooting sa Sydney, Australia

Sa pagdaan ng maraming taon, nakasabay ito sa pagbabago ng panahon, lalo na sa pag-usbong ng digital media at kahit nagkaroon pa ng pandemya. Subalit sa kabila ng mga hamon, nananatiling buhay at aktibo ang papel ng Tempo sa pagbabalita—nakaimprenta man o online. Bukod sa tradisyonal na pagbebenta ng diyaryo, lumawak na rin ang naaabot ng Tempo sa pamamagitan ng digital platforms nito. Pinaninindigan nito ang tagline na "news in a flash."

Habang patuloy na nagbabago ang anyo ng komunikasyon at media consumption, ang Tempo ay nananatiling halimbawa ng isang institusyong may kakayahang makiangkop, magtaguyod ng integridad, at manatiling kaugnay sa sambayanan sa kabila ng mga naglipanang fake news at maling impormasyon sa social media at online world.

"Tempo’s story isn’t just about surviving a changing media landscape—it’s about upholding the value of truth, embedded in every report, every story crafted by reporters and editors who believe in public service over clicks," ayon sa isa sa mga patnugot nitong si Emily G. Bugarin.

"As it marks this milestone, Tempo celebrates with deep gratitude—for its readers, its advertisers, and the trust they’ve placed in its mission through every headline, every year," dagdag pa niya.

Maligayang anibersaryo, Tempo!