December 14, 2025

Home SHOWBIZ

Regine napa-yummy! Ogie flinex bortang katawan noon, netizens naglaway

Regine napa-yummy! Ogie flinex bortang katawan noon, netizens naglaway
Photo courtesy: Ogie Alcasid (IG)

Kinaaliwan ng mga netizen ang pagbabahagi ni singer-songwriter at "It's Showtime" host Ogie Alcasid sa throwback photo niya noong 21-anyos pa lang siya.

Sa nabanggit na photos kasi, makikitang maskulado pa ang pangangatawan ni Ogie.

"Minsan din ko nangarap. Hayaan nyo na 21 lang ko dyan," saad ni Ogie sa caption sa kaniyang Facebook post noong Huwebes, Hulyo 8, 2025.

Sa kaniyang Instagram post naman, "Thursday pala ngayon. Minsan din ako naging bata at nag ilusyon. Hayaan nyo na at matagal na yan."

Relasyon at Hiwalayan

‘Totoo na!’ Kiray Celis, kinasal na!

Nagkomento naman dito ang misis niyang si Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid.

"Oh my gosh ang yummy," ani Regine.

Nagbiro pa ang kaibigan nila at dating co-host sa defunct Sunday musical noontime show sa GMA Network na "SOP" na si Janno Gibbs na gusto niyang ipasok sa VMX (Vivamax) ang kaibigan.

Maging ang mga netizen ay tila "naglaway" kay Ogie at sinabing ang guwapo at ang ganda raw pala ng katawan ng singer-TV host-comedian noong araw.

"Yummiers for ate Songbird!"

"Damn hot"

"Eto pala si sergio ng marimar"

"saraaap sir ogie"