December 14, 2025

Home SHOWBIZ

Premyo sa PBB, pinantulong ni Mika Salamanca sa matatanda, bahay-ampunan

Premyo sa PBB, pinantulong ni Mika Salamanca sa matatanda, bahay-ampunan
Photo Courtesy: Mika Salamanca (IG)

Tila pinatunayan ng social media personality na si Mika Salamanca ang puso ng pagiging Big Winner sa “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.”

Sa isang Instagram post ng Sparkle GMA Artist Center nitong Sabado, Hulyo 12, ibinahagi nila ang mga kuhang larawan nang pagbisita ni Mika sa komunidad ng matatanda matapos magbigay ng donasyon sa isang bahay-ampunan.

“After donating her entire ₱1M prize to ‘Duyan ni Maria’ orphanage, #PBBCelebrityCollabEdition Big Winner Mika Salamanca continued her outreach by visiting a community of elderly residents to extend her gratitude and compassion,” saad sa caption.

Umani tuloy ng magagandang reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Relasyon at Hiwalayan

‘Totoo na!’ Kiray Celis, kinasal na!

"Literal talaga na big winner may mabuting puso sulit ang boto naming mga supporters keep it up mika "

"Our mika big winner!!"

"Never changed her heart despite all the challenges in her life "

"Oh my Gosh, she's so kind!!!"

"God bless u!"

"Kaya ikaw ang ginawa big winner para sa mga lola kailangan ng tulong mo love love mikmik"

Matatandaang si Mika ang itinanghal na Big Winner sa edisyong ito ng PBB kasama ang ka-duo niyang si Brent Manalo.

MAKI-BALITA: BreKa, itinanghal na ‘Big Winner!’