December 14, 2025

Home SHOWBIZ Events

Pokwang sa ABS-CBN: 'Patawad sa aking paglisan, di ka naman nawala sa puso ko!'

Pokwang sa ABS-CBN: 'Patawad sa aking paglisan, di ka naman nawala sa puso ko!'
Photo courtesy: Screenshots from Pokwang (FB)

Isa ang dating Kapamilya-turned-Kapuso comedienne na si Pokwang sa mga nagsadya sa ABS-CBN compound kamakailan para magpa-picture at masilayan sa huling sandali ang ABS-CBN tower bago ito i-demolish.

Matatandaang ipinagbili na ang nabanggit na property ng ABS-CBN kasama ang lumang building, dahil hindi na ito nagagamit dahil sa kawalan ng prangkisa.

Talagang nagsadya si Pokwang sa ABS-CBN para magpa-picture sa tower. Naantig din ang mga netizen sa paghingi niya ng tawad matapos lisanin ito at lumipat sa TV5 muna noong 2020 para mag-host ng morning talk show kasama sina Pauleen Luna at Ria Atayde subalit hindi ito nagtagal sa ere.

Pagkatapos ay tumawid na sa GMA Network si Pokwang noong 2021.

Events

Chelsea Fernandez, inirampa Maranao Sarimanok sa Miss Cosmo 2025

"July 2004 dito nagsimula ang lahat, lahat ng napaka laking pagbabago sa buhay ko at ng pamilya ko. Salamat maraming salamat po," anang Pokwang.

"Patawad sa aking paglisan pero di ka naman nawala sa puso ko kahit may mga pinagdaanan tayo, basta labis ang pasasalamat ko at ng mga anak ko sa iyo, maraming, maraming salamat po @abscbn #clowninamillion2004 grand champion Pokwang!!!!" aniya pa.

Nagsimula ang career ni Pokwang nang manalo siya bilang grand winner ng "Clown in a Million" segment ng "Banana Split" noong 2004 sa ABS-CBN.