December 14, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Pic nina Vice Ganda at MC na magkasama, kinalugdan ng fans

Pic nina Vice Ganda at MC na magkasama, kinalugdan ng fans
Photo Courtesy: Lady Morgana Perez via MJ Felipe (FB)

Natuwa ang fans matapos nilang makitang magkasama ang magkaibigang sina MC Muah at Vice Ganda.

Sa latest Facebook post kasi ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe nitong Sabado, Hulyo 12, ibinahagi niya ang larawan ni Drag superstar Lady Morgana kasama ang dalawang magkaibigan.

“LOOK: Drag superstar Lady Morgana posted a photo of her with Vice Ganda and MC. This was taken at Vice Comedy Club, Friday night,” saad sa caption ni MJ.

Umami tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing larawan. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

"Salamat sa haters at bashers na napahiya "

"Thanks God ok na sila. Si MC din kasi Manager ng ng Vice comedy bar."

"Maniniwala pa kaya c cristy fermin dito"

"From the looks of it, maga pa mata ni MC."

"Hay salamat nagkabati na rin bff"

"Hope you both go back to showtime!"

"yehey finally meme and mc in one frame again"

Matatandaang sa isang episode ng vlog ni Vice noong Mayo ay kinompronta niya si MC dahil hindi umano marunong makisama habang sila ay nagbabakasyon sa Palawan.

Simula noon, umugong tuloy ang bulung-bulungan na nagkaroon umano ng lamat ang friendship ng dalawa lalo na nang hindi lumilitaw si MC bilang host ng “It’s Showtime.”

MAKI-BALITA: Vice Ganda nabuwisit kay MC: ‘Hindi marunong makisama!’