December 17, 2025

Home BALITA

Pagluwas sa mga isda mula Taal Lake pa-Maynila, apektado ng retrieval operations ng PCG

Pagluwas sa mga isda mula Taal Lake pa-Maynila, apektado ng retrieval operations ng PCG
Photo courtesy: Pexels, Manila Bulletin

Inihayag ni Laurel Mayor Lyndon Bruce na naaapektuhan na raw ang ikinabubuhay na pangingisda ng ilang residente sa kanilang bayan matapos pumutok ang balitang may narekober na mga sako ng buto ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Taal Lake sa Batangas.

Sa panayam ng media kay Bruce nitong Sabado, Hulyo 12, 2025, iginiit niyang apektado na raw ang pagluluwas nila ng mga tilapia at bangus mula sa Taal Lake patungong Maynila dahil sa nagpapatuloy na search and retrieval operations para sa paghahanap ng mga bangkay ng mga nawawalang sabungerong pinaniniwalaang itinapon sa nasabing lawa.

“Yung marketing ng ating isdang tilapia, bangus na dinadala natin sa market, sa Maynila, yung ating mga mangingisda ay kakaunti ang mga nagingisda ngayon,” anang alkalde.

Dagdag pa ng alkalde, iilang mangingisda na lang daw kasi ang nakikipagsapalarang pumalaot pa rin kasabay ng nasabing operasyon ng PCG sa Taal Lake.

Metro

Guro sa Tondo, tiklo; nangmolestya ng estudyante, testigo pinilit pang kumain ng ipis!

“Base sa report ng ating fishport office, before nagkakaroon tayo ng 10 bangkang pumapalaot, ngayon dalawa na lang kada araw,” aniya.

Matatandaang nauna nang maiulat na ramdam na raw ng ilang mga nagbebenta ng isda sa Taal ang pagtumal ng kani-kanilang ibinebentang isda magmula nang pumutok ang isyung sa Taal Lake itinapon ang bangkay ng mga nawawalang sabungero.

KAUGNAY NA BALITA: Bentahan ng isda, apektado dahil sa mga nawawalang sabungerong itinapon sa Taal Lake

Samantala, nauna nang nilinaw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nananatiling ligtas kainin ang mga isda sa Taal Lake dahil pawang mga carnivorous umano ang mga ito.

KAUGNAY NA BALITA: Tawilis, Tilapia sa Taal Lake, ligtas kainin—BFAR