December 16, 2025

Home BALITA

Netizens, binuweltahan juvenile law matapos ang pagpatay sa isang dalaga sa Tagum City

Netizens, binuweltahan juvenile law matapos ang pagpatay sa isang dalaga sa Tagum City
Photo courtesy: Contributed photo

Usap-usapan sa social media ang Juvenile Justice and Welfare Act o Republic Act No. 9344 matapos ang sinapit na pagkamatay ng isang dalagang pinaslang sa kamay ng dalawang menor edad sa Tagum City, Davao del Norte.

KAUGNAY NA BALITA: Dalaga sa Tagum City, natagpuang patay sa loob ng kuwarto; biktima may higit 20 saksak!

Ayon sa mga ulat, sangkot ang 14-anyos at 17 taong gulang na mga binatilyo sa apat na mga suspek na nagnakaw at pumatay sa dalagang estudyanteng nagtamo ng 38 saksak sa kaniyang katawan at pinaslang sa loob mismo ng kaniyang kuwarto sa kanilang tahanan.

Narekober sa mga suspek ang laptop, iPad, cellphone at dalawang relo ng biktima at maging ang dalawang kutsilyo na hinihinalang ginamit ng mga suspek laban sa biktima.

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

KAUGNAY NA BALITA: 3 suspek kabilang 2 menor de edad na pumatay at nagnakaw sa isang dalaga, timbog!

Bunsod nito, tila hindi naiwasan ng ilang netizens na kalkalin ang Juvenile Law na nagbibigay ng rehabilitation at reintegration program sa mga menor de edad na nakagawa ng krimen o paglabag sa batas, sa halip na direktang dumaan sa ordinaryong paglilitis ng batas.

"Baguhin na nila ang batas na 'to!"

"Bata lang ang edad nila pero yung ginagawa nila hindi na asal nang matinong bata!"

"Kaya lalong lumalakas ang loob ng mga kabataang kriminal eh, pati batas kasangga nila!"

"Hindi pwede makulong just bcz of juvenile justice?! eh asan pa ang hustisya ng biktima?"

"Batang demonyong kriminal palang pinapatay na dapat para di na humaba pa ang sungay!"

"Children are not criminals pero nakakapatay na?"

Samantala, kasalukuyang ng nakaburol ang biktima habang patuloy na gumugulong ang imbestigasyon.