May payo sa mga mananaya ang lone bettor na nanalo ng ₱97.8 milyong jackpot prize sa Super Lotto 6/49.
Kinubra ng lone bettor mula sa Quezon City ang napanalunan niyang ₱97,897,380.40 jackpot prize. Ito'y matapos mahulaan niya ang winning combination na 25-08-05-27-18-16 na binola noong Hunyo 26.
Sa kaniyang panayam sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ibinahagi niya na tumataya siya sa lotto ng tatlong beses sa isang linggo.
Kaugnay nito, may payo rin siya sa mga kapwa niyang mananaya.
“Kung may extra budget kayo na pwedeng itaya sa lotto, subukan nyo lang. Kagaya ko po, hindi po ako sigurado kung kailan ako mananalo, pero naniniwala ako sa swerte,” saad nito.
Samantala, binobola niya ang Super Lotto 6/49 kada Martes, Huwebes, at Linggo.
KAUGNAY NA BALITA: Lone bettor nang manalo ng ₱72M sa Grand Lotto: 'Minsan lang ako tumaya'