December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Mika Salamanca, literal na na-redeem sa social media

Mika Salamanca, literal na na-redeem sa social media
Photo courtesy: Contributed photo

Nagkalat sa social media platforms ang throwback pictures at videos ni Kapuso artist at Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition Big Winner Mika Salamanca matapos ang kaniyang naging matagumpay na karera sa nasabing reality show.

Laman ng iba’t ibang memes at social media pages ni Mika dahil nahalungkat ng netizens ang batang version niya na bumibirit ng mga awitin ng sikat na Original Pinoy Music (OPM) band na Aegis at iba pang matataas na kanta. 

Ayon sa netizens, tila nasubaybayan na raw nila ang transformation ni Mika mula pagkabata hanggang sa maging PBB Big Winner.

Maging si Mika ay sinakyan na rin ang nagkalat niyang mga larawan at videos at sinabing tila hindi na raw niya kailangan gumawa pa ng album.

Tsika at Intriga

'Buong taon 'di n'yo naman ako pinapansin!' Nadine, umapela sa mga nanghihingi tuwing December lang

“Paplano-plano pa ako ng album this year, eh meron na pala,” ani Mika.

Hirit pa niya, “Kahit saan ako pumuntaaaaa!!!”

Ilang netizens na rin ang nagsabi na tila, “pre-debut videos” na raw ni Mika ang mga throwback biriter videos niya.

"Mika Salamanca aka “Mikmik” pre-debut videos."

"Thank you sa full album, 'di na mahihirapan mag-stream."

"Sino bang nanakit sa batang Mika?"

"Grabe talaga magkalkal ang netizens!"

"Bata pa lang pang-big winner na ang atake ni Mika."

"Nakakapagod na mag-react sa batang Mikmik! HAHAHA"