Naglunsad ng proyekto ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasama ang lokal na pamahalaan ng Pampanga para sa komunidad ng Aeta sa nasabing lalawigan.
Kabilang sa mga ipinamigay sa mga katutubo ay ang mga gamit-pansaka, pananim na gulay at prutas, gayundin ang mga pataba sa lupa.
Sa launching activity na dinaluhan ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao noong Biyernes, Hulyo 11, sinabi niyang ang inisyatibong ito ay makakatulong para maisulong sa komunidad ng Aeta ang sustenableng agrikultura at katatagan sa gitna ng kalamidad.
“Through this program, we intend to establish agroforestry zones to provide support through the cash-for-training and work (CFTW), and food-for-work (FFW) program to the Aeta households by inviting them to participate in tree planting, upland gardening, and backyard poultry-raising activities,” saad ni Dumlao.
Samantala, bukod sa pansamantalang income support, binigyan din ng DSWD ng mga mahahalagang kaalaman at kasanayan ang mga benepisyaryo ng programa upang mapanatili ang agroforestry zones nang hindi na umaasa sa iba.