December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Klarisse De Guzman, medyo gipit kaya pumasok sa PBB?

Klarisse De Guzman, medyo gipit kaya pumasok sa PBB?
Photo Courtesy: Screenshot from Vice Ganda (YT), PBB (FB)

Ibinahagi ni Nation's Mowm at Kapamilya singer Klarisse De Guzman ang ilang dahilan kung bakit siya nagdesisyong sumali sa “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.”

Sa latest episode kasi ng vlog ni Unkabogable Star Vice Ganda nitong Sabado, Hulyo 12, inusisa niya si Klarisse tungkol sa pagpasok nito sa Bahay ni Kuya.

Tanong ni Vice, “Ba’t ka pumasok? Gipit ka no’n, ano?”

“Siyempre medyo gipit tayo diyan,” sagot ni Klarisse. 

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Pero ang major reason daw talaga ay gusto na niyang ipakita ang totoong siya sa harap ng publiko.

Aniya, “Tinanong ako, Meme, kung interested ako. No’ng una, nagdadalawang-isip ako. Dahil nga alam mo naman, mayro’n akong tinatago. [...] Tapos ‘yong isa do’n ‘di ko rin maiwan si Mama. Kasi kawawala lang ng Papa ko.”

“Naisip ko rin na I think ito na rin ‘yong tamang platform para talagang mapakita na talaga sa tao at sabihin kung ano talaga ako,” dugtong pa ni Klarisse.

Matatandaang loud and proud na inamin ni Klarisse sa isang episode ng “PBB: Celebrity Collab Edition” noong Abril ang sexual identity niya. Dahil dito, nakilala rin ng publiko ang karelasyon niyang si Christrina Rey.

MAKI-BALITA: Pag-amin ni Klarisse De Guzman: 'I'm not straight, I am bi!'