Naloka ang mga netizen sa nagkalat na video clip ng magtatapos na seryeng "Mommy Dearest" sa GMA Afternoon Drama dahil sa eksenang pinakain ng dog food ng karakter ni Katrina Halili ang karakter ni Camille Prats.
Sa post ng GMA Network noong Martes, Hulyo 8. makikitang tinutukan ni Emma (Katrina Halili) ng baril si Jade (Camille Prats) habang pinipilit itong kumain ng dog food.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"nakakaloka hahahaha..."
"Anong ginawa n'yo kay Princess Sarah hahaha"
"Naku ha wag ka magpapauto."
"Ewww olive."
"Hahahahaha iba talaga ang GMA..."
"Epic hahaha, dinogshow hahahaha"
Matatandaang isang eksena rin mula sa serye ang pinag-usapan nang mag-espadahan silang dalawa gamit ang mga laruan.