December 14, 2025

Home SHOWBIZ Events

Grabe, Mayor Vico! Banda, nagkuwento paano tratuhin artists sa Pasig City

Grabe, Mayor Vico! Banda, nagkuwento paano tratuhin artists sa Pasig City
Photo courtesy: Vico Sotto, Hey Moonshine (FB)

Ibinahagi ng bandang Hey Moonshine ang kanilang taos-pusong paghanga sa pamahalaang lungsod ng Pasig matapos makaranas ng natatanging pagtrato bilang mga panauhing artist sa ginanap na Araw ng Pasig kamakailan.

Pinuri ng banda ang liderato ni Mayor Vico Sotto at ang buong events team sa pagiging maayos, pantay, at propesyonal sa paghawak ng mga performer, anila’y “isang bagong pamantayan” na dapat tularan ng iba.

Sa isang viral Facebook post sa social media, inilahad ng banda ang kanilang naging karanasan sa isa sa mga pinakamalaking events sa lungsod.

Kasama ang Hey Moonshine sa lineup na kinabibilangan ng mga bigating banda gaya ng Lily at Rocksteddy. Ngunit sa kabila ng pagiging hindi pangunahing act, sinabi ng banda na nakatanggap sila ng pantay na pagtrato, mula sa sariling air-conditioned tent, pizza para sa buong crew, at isang sorpresang catering service, bagay na hindi umano nila inaasahan ang ganoong klaseng pag-aalaga.

Events

Chelsea Fernandez, inirampa Maranao Sarimanok sa Miss Cosmo 2025

Nang bumisita sila sa tents ng Lily at Rocksteddy, lalo silang namangha. Parehong-pareho daw ang treatment, parehong komportable, parehong pagkain, at parehong ibinibigay na seguridad. Walang mataas, walang mababa. Walang pabor-pabor.

Ngunit ang pinakatumatak daw sa kanila ay ang naging personal na pagbisita ni Mayor Vico Sotto, na bumaba pa mismo sa tent nila.

Pinuri din ng banda ang maayos na daloy ng programa at ang malinis na event grounds, bagay na bihira daw sa malalaking concerts. Isa sa mga pinakanakabibilib na bahagi para sa kanila ay ang real-time na paglilinis habang isinasagawa pa ang konsiyerto.

Sa huli, binigyang-diin ng banda na higit sa anumang amenities, ang respeto at dignidad na ibinigay sa kanila at sa iba pang performers, anuman ang kanilang kasikatan, ang tunay na nagpaantig sa kanila.

Buo ang pasasalamat ng Hey Moonshine kina Mayor Vico Sotto, Atty. Jeron Manzanero, at sa buong event team ng Pasig.

"And the entire event team you deserve all the applause."

"And this is how it should be. Other organizers, take note. Pasig just raised the bar," anila pa.

Sa comment section, pinatotohanan naman ito ng OPM icon-TV host na si Jim Paredes.

"We've done Pasig. Maayos talaga. Thanks to Mayor Vico," aniya. 

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"bsta hindi binulsa, ramdam mo talaga yung budget and its always more than enough."

"Madali lang po ba makakuha ng resident visa sa Pasig? Asking for a friend."

"Thanks for sharing this good news. We are proud Pasigueños because of him. May camera/press man o wala, he consistently and genuinely shows his kindness to people, taga Pasig man or hindi. He really is a good role model to everyone."

"Is Mayor Vico for real?! Grabe ka Mayor, you excel kahit saang aspeto ng pamamalakad at ng iyong pagkatao. Sana dumami ka pag nabasa. Thanks Hey Moonshine for sharing your experience."

"Pasig keeps raising the bar. Honestly, the way Mayor Vico runs the city should be the norm, the bare minimum we expect from our leaders and organizers."