December 13, 2025

Home SHOWBIZ Events

Donny may '1M pogi points' matapos mag-donate ng pera sa dating school

Donny may '1M pogi points' matapos mag-donate ng pera sa dating school
Photo courtesy: Screenshots from Donny Pangilinan's vlog (YT)

Hinangaan ng mga netizen si Kapamilya star Donny Pangilinan matapos niyang magbigay ng donasyon ng malaking halaga ng pera sa kaniyang alma mater.

Ibinida ni Donny sa vlog niya ang pagbisita niya kamakailan sa Learning Tree Child Growth Center, isang Christian school sa Quezon City, kung saan siya nag-aral noong bagets pa lamang siya, bago siya lumipat at magtapos sa Brent International School, isang exclusive international school.

Ayon kay Donny, sobrang malapit sa puso niya ang nabanggit na paaralan, kaya naman nang dumalaw siya rito, tumataginting na ₱1 milyon ang pinaluwalan niya mula sa bulsa upang i-donate dito!

Naiyak na lamang ang mga guro nang tanggapin ang tseke mula kay Donny. Gagamitin daw nila ang pera para sa pagtapos na mapatayo ang isang school building.

Events

Chelsea Fernandez, inirampa Maranao Sarimanok sa Miss Cosmo 2025

Dahil dito, talaga namang pinuri ng fans at supporters ni Donny, lalo na ng DonBelle o tambalan nila ni Belle Mariano ang aktor dahil hindi raw sila nagkamali sa loding kanilang sinuportahan.

Sa comment section ng vlog, isang dating guro ang nagpaabot ng pasasalamat sa kaniya. 

"Wow! Donny, T. Gloria here. TLT-HELE (Home Economics Livelihood and Entrepreneurship) you made me cry. I knew it, even back then when you were in 5th grade, you already showed significant behavior and demeanor in class. You were always attentive and respectful. I remember your class in HELE had a project, a beaded coaster. You were the only one who understood the pattern hence you finished it right away. I thank the Lord for how you have become as a man... Godly man. May God grant you strength, good health and wisdom now and always. Take care Donny," aniya.

"TEACH I MISS YOU!!!!!!" tugon naman dito ni Donny.