December 13, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

Darryl Yap, nag-react sa pagsisisi ni Giselle Sanchez sa pagganap bilang 'Cory Aquino'

Darryl Yap, nag-react sa pagsisisi ni Giselle Sanchez sa pagganap bilang 'Cory Aquino'
Photo courtesy: Darryl Yap, via Giselle Sanchez (FB)/

Nagbigay ng reaksiyon si "Maid in Malacañang" director-writer Darryl Yap sa naging pag-amin ng actress-host na si Giselle Sanchez, na nagsisisi siya sa pagganap niya bilang si dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino sa nabanggit na pelikula.

Sa upcoming episode ng “The Men’s Room,” sinabi ni Giselle na sana raw ay inisip niya muna ang bansa at ang unibersidad kung saan siya nagtapos ng kolehiyo.

“Pinagsisihan ko 'yan. Kasi sabi nila, ‘Giselle, UP ka.' Ba't mo ginawa 'yon. Hindi ko inisip, eh, “ lahad ni Giselle.

Dagdag pa niya, “Sana inisip ko nga naman taga-UP ako. Sana inisip ko 'yong bansa ko bago ko tinanggap 'yon. Kasi inisip ko lang, artista ako.”

Pelikula

Avengers: Endgame, balik-sine sa 2026!

KAUGNAY NA BALITA: Giselle Sanchez, pinagsisihang naging si ‘Cory Aquino’

Biyernes, Hulyo 11, naglabas naman ng kaniyang reaksiyon at komento ang direktor tungkol sa mga naging pahayag ni Giselle.

"Naiintindihan ko po ang sentimyento niya, sa totoo lang, naging regret din siya ng production; kasi lahat ng kasama sa pelikula, artista man o nasa likod ng camera ay may taglay na kahandaan sa opinyon ng publiko—paninira man o papuri."

"Si Giselle ang talagang nabasag at naapektuhan, siya ang inalala ng team."

"Pinaghanda ko ang mga bubuo ng pelikula—hindi lamang dahil sa Maid in Malacañang ito kundi dahil sa 'ako' ito."

"Ilan lang ang may gusto at may kaya akong makatrabaho, at hindi ko iyon tinitignan na kabawasan, iyon ay mabisang pansala sa mga di kanais-nais na elemento sa showbiz."

"ang hindi ko lang gets ay yung 'Taga-UP ka pa naman bakit tinanggap mo yan'"

"Bakit? Iba ba ang hangin sa UP?"

"yung pagininhale mo ay pwede kang maging maingay at makasakit sa mga opinyon mo pero pag nakarinig ka ng makakasakit sa iyo ay hahagulgol ka? yan ang di ko gets."

"Mananatili ang aking paggalang sa sining ng bawat isa, karangalan kong mapasama sa listahan ng mga gusto at ayaw na makatrabaho sa industriya."

"kasi yun lang naman ang mahalaga, kahit anong listahan pa yan… nasa listahan ka. Salamat po."

Samantala, wala pang reaksiyon, komento, o pahayag si Giselle tungkol dito. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.